Wednesday, December 21, 2011

Polecats Christmas Party aka my debut as a Pole Dancer

Oo, dineclare ko na! Isa akong Pole Dancer!!! bwahahaha

Hindi ko naman sinabing PROFESSIONAL di ba??? Basta nakasayaw na sa pole, keri na yun! bwahahahaha!!!

Anyway, Christmas Party ng Polecats last Saturday! JUSKOPO! Sa lahat ng mga XMas Parties na nakapila this year, ito, I think, yung isa sa mga pinakaaabangan ko... E pano ba naman, nung malaman namin na may Christmas Party, dineclare na ng mga hitad na "GAME! MAGPE_PERFORM KAMI!" Take note, hindi yan request o question na KUNG PWEDE mag-perform. It was more of a statement (if not a mandate) na ang kaisa-isang Men's Pole Fitness Class ay magpe-perform sa Xmas Party!

Kinabukasan may 3 songs na at WAG KA! nangarap na magkaron ng 3 different performances and iisang class! Talk about ambition, right? :p

Talk about career! We were brainstorming for around 2 weeks on the song, tricks to be done, sequence, etc and practiced for around 3 weeks para lang dun.

BUT WAIT THERE'S MORE Nagpatahi pa kami ng Snow Leopard Spanks just for this! :p

Nung Saturday, dumating kame 1hr before party starts just to WARM UP and have a run-through, ang mga excited na first-time pole performers:


Lahat ng classes ng Polecats ay umawra donchiwa sa party. at ang Gen Studios wumi-winter wonderland ang peg:


Wiz bet lumafey ng mga loley bago umawra. Mega shokot mag Andrea VOMITcelli:


Ayan, "Pretend-Eat" ang arrive, kunwari waz gutom, pose at smile ang drama:


Ang aming Prima Ballerina, pang Famas ang emote, oh:


Buti na lang may pampatunaw games and aliw factor before kami isalang:

Pass the Message Pole Edition (mejo obvious na nandadaya :p lol):


Si Brenda, ang aming Unkaboggable Representative from Intermediate 2 na nagpapanalo sa team namin! heehee:



Pinoy Henyo, Pole edition:


Ang pinaka-panalong hirit sa gitna ng mga hulaan:

"Mahal ba ito?"
"um..... PWEDE"
Ang sagot: Classcards....

Sorry kung di ka natawa, it's a pole joke... :p
At at at... HETO NA!

Simula sa Beginners 1:



Ang saya saya ng performance nila, simple pero pulido at super cute... Sa daming beses na namin silang napapanood na nagpa-practice (YES! We were checking out the competition!!!) e kabisado na nung ilan sa amin yung routine nila (eherm! oo, ikaw, IKAW ang tinutukoy ko :p)

Ang totoo nyan, deep inside, kating kati ang mga diva ng Men's Pole na gawin ang routine ng beginners kasi super cute!!! BUT NO! Halos lahat ng moves sa routine nila ay bawal sa amin! BWAHAHAHA pare-pareho kaming mapupugutan ng ulo (sa taas at baba)

Intermediate 1:


Isa pa itong number na ito na slightly kabisado ng Men's Divas! Actually ineexpect ko ng bigla na lang lulusob ang isa sa amin at kukunin ang center pole para sa sarili nyang rendition ng routine na itey. BWAHAHAHAHA!!!

Sumunod kami sa performance nila, pero gusto ko ng ihuli ang samin coz I want it to be special that way :p

Ang malakas ang loob na solo-ista ng Intermmediate 2 (ang supportive lang ng mga classmates. lol):


Slightly natigilan ang buong studio nung nalaglag si ate... But I commend her for continuing with the routine! YAN ang tunay na performer!!! dedma kahit mag-isa! Dedma kahit na buwis buhay! :p

And of course, it wouldn't be a Polecats Christmas Party kung walang performance ang Polecats themselves. DUH!


Ilang beses na din namin nakitang nire-rehearse ang number na ito, pero tulad ng sabi ni Duds, it never fails to amaze us. When you've tried pole, you'll know what it takes to do all those tricks. You'll never look at Pole Dancing the sme way ever again!!!

AND FINALLY, MOMENT OF TRUTH:


WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

Hanggang ngayon, on a high pa din ako from this... Gusto ko syang ulit-ulitin. Mang Gate Crash ng mga parties para lang magawa ito ulit! lol

Sobrang saya lang nya, I'm already thinkng of other Pole performances for future "gigs" bwahahahaha!

Some post Performance cam-whoring pics:




Love these girls! Sorry straight boys, we get to rub elbows with hot pole dancers :p


With our amazing teacher AJ Bautisita (lekat nakapikit na naman ako)

HAAAAYYYY homeygalleh!!!

Walang Pole class for two weeks!!! Feeling ko e tatambay ako sa mga lansangan para lang magpractice! lol

Ngayon pa lang umiisip n kme ng song for the Summer Recital! (kahit na wala pa ngang anouncement na tuloy o magkakaron. bwahahaha)

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin