Saturday, June 25, 2011

BAKLA vs POLE: Vekler Goes Pole dancing

At sinong may sabing mga bilatchibelles lang ang may K na gumowra at magsi-sirko-sirko sa baras?

TSEH!

Early on this year, I was given an opportunity to interview the fabulous girls of POLECATS for an article for People Asia (I wonder whatever happened to that article... hmmmm....)

II was soo unprepared that I poled in jeans! NAKAKALOKA DI BA? Kung alam ko lang na aakyat ako ng poles e di sana pumunta ako ng naka- ngepkep ngyorts! hahahaha

Nabitin ako, like for realz! sobrang saya lang nya! After class parang gusto kong lambitin lahat ng makita kong road signs... stop lights... poste... JUSKO! kahit puno ng niyog sa tapat ng bahay namin gusto kong akyatin at magpaikot-ikot (kung di lang makakadkad ng husto ang mga hita ko! hahaha)

SO! Nung malaman ko na may Men's Workshop for Pole ang mga gurlalay ng Polecats aba, wala ng patumpik tumpik pa, ATTACK!

AND THIS TIME, I came prepared!

I don't you're ready for this jelly! PAK!!!

Kumusta naman ang primary contrasting colors!?! hahaha! Eksenadora lang ang arrive! hahahaha!

Anyway, na-late ako ng slight coz galing akong meeting (ON A HOLIDAY!) so may I warm up on my own ang drama kez:

EHERM!!! lol

Can I just say, kapag nanonood ka ng pole dancing eh feeling mo e luka-lukahna lang si ate sa pag-ikot at sa pagsakay sa baras BUT NO! ATE, IT'S NO JOKE!!!!


Mega challenge sya, nakakaloka! Kumusta ang minimum requirements na upper body strength at fantabulously strong CORE! "Oh my gulay!" sabi ng aking nag-iisang AB (aka ang aking matambok na tyan! hahaha)

Tapos kelangan naka-smile ka habang sumisirko? juskopo! kung di lang sya masaya, sasabihin ko na sana na, "Time first! magkukulot na lang po ako ng buhok! tseh!"

Ang pole dancing ay nakaka-challenge ng pagka-bakla, kei!

Alam mo naman tayo, may reputasyong pinangangalagaan: dapat pagdating sa mga bagay na pahaba at matigas e hindi tayo papatalo!

So let the games, begin!!!

POLE VS BAKLA ROUND 1: Inversion! (with matching bukangkang)


Bukaka = CHECK! (naman! heller!)

Inversion? ... I'll get back to you on that... :p

Sa labanang Pole vs Mother Veckler: Pole: 1, Bakla: 0!

ROUND 2!!!

Ang challenge: akyatin ang pole, ipitin ng kili kili and, fuck it, hang on for dear life!!!


Nakaka-Lucrecia Kasilag! Feeling ko naakyat ako ng Palo Sebo!

Thank god my thighs are well adapted to clinging on to poles *wink*wink*


Parang baklang Spider-Man lang di ba?

Pole: 1, Bakla: 1

PAK!

ROUND 3: Spinning!

Ay naku mga bakla, wala akong paga-agam-agam sa spinning!

Kering keri yan. Di niyo naitatanong noh, pero pag wala masyadong tao sa kalye namin ay nagpapa-ikot-ikot ako sa mga poste tuwing gabi on a normal basis! hahahahaha!!!


PAK!


PAK! ulit! with matching liyad, parang mahaba lang ang hurr!!!

Pole: 1, Bakla 2

ROUND 4: HEADSTAND-SCORPION-SABAY AKYAT SA POLE!

Mabuti na lang at ang baklang ito ay flexible at nakakapag-yoga!


Take THAT, pole!


May eklatera akong friend na umaapila, "Bakit may bulubundukin banda DOON" Aba bakla, walang pakilamnanan! hahahaha Mind your own noches :p hahahaha!

Ito ang favorite shot ko:


Hindi nga lang kagandahan ang form ng Scorpion ko noh, pero nevertheless, ACHIEVE!

Pero hanggang ganyan lang ang kinaya ko! wahahaha! pagdating na sa akyatan portion... FAIL! dumudulas ang tuhod ko at di kinaya ng AB ko na buhatin ang aking WAIF-LIKE borta (walang kokontra, kei?) papanik! hahahaha

Therefore sa labanag Pole vs Bakla... Pole 2, Bakla 2

IT'S A TIE!!!

hahahahaha!

Nabitin lang kami ng slight.Hindi sapat ang 1 hour para sa pole class!!! sadyang di makatarungan! kelangan mga 2 hours!

AT nabitin din dahil wizelbomb na choreography sa end part. (Sa women's class kasi may dance dance chorva sa huli) Feel na feel ko pa naman gumiling, mag-hair toss at magsirko sirko! (prepared ako, dala ko ang aking pokpok playlist that day hahaha!)

Ito ang mga classmates ko:


O di ba? ang gaganda namin!?!

AAAAAAAAAAAYYYYYYYYY mali, ako lang pala ang bading dito.... (CHOOOOZZZZZ)

Ang ganda ganda ko pala at ang gwapo nila!

In fair check niyo daming borta, aminin niyo! hahahaha!

Isa pang shot, ung mas malandi;


O, sinong na-hatching, taas ang kamay! LOL

ALAVETT! Isa pa ulit!

Excited na ako sa susunod na class!!!

PHOTO CREDITS:

Most of the photos from my good friend Karen

Group shot 1 from Polecats

Last shot from my cam :D

8 comments:

  1. You cracked me up to the highest level!

    ReplyDelete
  2. Mare! isa lang ang masasabi ko! YOURE A NATURAL!!!! PANALO!!!

    ReplyDelete
  3. @teng: hahahaha tenchu teh!!! basa lang ng basa

    @mareng wilberchie: wahahahaha. naisip ko ng mag change career! baka maging stripper na lang ako. LOL

    ReplyDelete
  4. @hannah: True That!

    @Serge: Hee hee. not really. I just try to spread myself around.. lol

    ReplyDelete

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin