Saturday, March 5, 2011

Making New Memories Project Part 1: MULI - Zsazsa Zaturnnah


Makalipas ang humigit 2 taon, muli kong napanood (kagabi lang) ang Zsa Zsa Zaturnnah ze Muzikal!

HONGGONDOH OH! Walang CHISMIS sa fezlak! hahahaha CHOZ!

Mejo nagbago ang stage nila this season and there were also different faces in the cast (compared to the last time I saw it).


Eula's playing lead again, and like last time, she's MARVELOUS! She's like, sexy as ever. Though I feel like her voice was a little strained last night, her vocals are still very VERY good. She was even adding some nice riffs and variations here there. Amazing! This time, Gabe Mercado was playing Didi. I find him really cute and adorable, though not really very believable as a Parlorista's assistant (And also, he blundered his line a couple of times during the show, which I think is rather... pffft). I kinda missed Nar's performance the last time I saw it and I'm kinda guilty of raving about him to my companions all throughout the play. I don't know, I love Gabe, but I love Nar more for this part. Tuxqs was also playing Ada (last time it was Vince). He was really good, sayang lang coz there were some problems with his mic and we weren't able to hear everything all the time :P


Kalila was playing Queen Femina and like last time, she was fantastic. Can't believe her voice! Kaloka! at ang sexy lang nya, kei? Lord bakit? BAKIT ang daming grasyang napunta sa kanya, ha? :p


Model Red Anderson was also playing Dodong. ANG SARAP LANG NI KOYA, KEI? Napasigaw ako ng "akin na ang rice!" nung naghubad si koya. KALOKAH! AT in fairness kay kuya, MAGANDA ANG BOSES NYA! (I think better than the last Dodong I saw, Lauren Novero) Though I think he's got to work on his acting a little bit more, I find him a bit stiff pa.

Nakakatuwa din ang mga Amazonistas. Panalo ang gags ni Sharon C at ni Dina B (Wilma). I also love the performance for the role of Nora A, ang lukaret lang! Mejo nabitin lang ako ng konti sa vocals ni Vilma S (maybe because I got used to the original cast album version) but sa kanyang "acting" bit (yung sa intro) ay bentang benta!

There was this one cast member who's got a really amazing voice, I failed to catch his name, but he was the "heavy" guy who opened "Magsasalpukan Na". GANDA LANG ng boses!

May isang member ng chorus na mula umpisa pa lang e di ko na maialis ang aking malalagkit na titig:


Ayon sa playbill, siya si Cheeno Macaraig. Potah ang cute lang ni kuya! As in! Mejo 5'4" lang sya pero teh, nung nagsuot sya nung angel costume with the short towel lang sabay gumiling... WALA NA! laglag, durog, lusaw na ang panty ko! May costume si koya sa "Magsasalpukan" na naka tattered thigh length denim shorts! SHET ang ganda lang ng legs ni koya. At sa finale na "Superhero ng buhay ko" lumabas siya with this other guy from the chorus at NAGHALIKAN SILA! SUSME ang sakit! (feelingera lang!) Kaya naman mega lapit ako after the show para magpa-pichur with him at wag ka, UMAKBAY SYA!!!! SHEEEEEEEEEEETTTTTT hindi ko na sana iiwan kaso baka isuplong nya ako sa pulis. hahaha.

Dear Cheeno, kung nababasa mo man ito, nais ko lang malaman mo.... I LAB YOU!

(sinampal ang sarili)

OK... nasa katinuan na ulit ako.

While I was reading the playbill, I was surprised to see the name "Marco Viana" (sorry walang enye sa laptop) and I saw a familiar face:

photo grabbed from his FB, sorry Marco!

OK, di kami close, and I'm pretty sure he don;t remember me, but I remember him. Back in 2006 when I was still working in Makati and Gen was helping coach some kids in Mapua for a play called "Romeo Labs Juliet" e pinakilala sakin ni Gen si Marco (in passing) Of course, kilala niyo naman ako, I never forget a cute guy :p. He played the Romeo in that play at ngayon ay nasa Zsa Zsa Zaturnnah na sya. Naalala ko siya na lumabas sa Finale as one of the gay couples. Too bad, when I realized it was him, he was no longer in sight so wit kaming picture.

All in all, the restaging of Zaturnnah was, as always, very entertaining and still very heartwarming.

Hindi ko napigilan ang luha ko sa "Pakibuksan ninyo ang Puso niyo". I may have been a little more fortunate at hndi ako nilulublob ng tatay ko sa drum ng tubig nung kabataan ko. But the feelings of being "not good enough because you're gay" totally resonates with me. Iba-iba man ang mga kwento nating mga bakla, naniniwala akong may pagkakatulad (kundi man iisa lang) ang mga pinagdadaanan natin

Hindi ko mapigilan ang maka-relate nung kumakanta na si Didi ng:

Ada, bakit pati sila ay lumuluha?
Dahil ba pag pumanaw na ako
Ay wala na silang pagtatawanan?

Mga baklang sentimyento na, sa unang bagsak ay mejo matatawa ka dahil napaka balahura pero sa kaloob-looban nito ay nandun ang mga hinagpis ng isang bakla lumaki at nabubuhay sa isang lipunan na ang turing sa kanya ay isang malaking JOKE.

Sa "Superhero ng buhay ko" ay sabay sabay na nag "awwwww" ang tatlong gwapong conyong baklita sa tabi namin. (As in ga-gwapo nila, kei. at masarap!) Ikaw na ang haranahin ng isang matangkad, gwapo, maskuladong, at, higit sa lahat, BUSILAK na Dodong, lukaret ka lang kung umayaw ka pa, di ba? Kung pwede lang na maraming mga Dodong para sa mga Ada ng sangkabaklaan, ang saya lang siguro noh?

The good news is, mahirap man humanap ng Dodong, hindi naman tayo nauubusan ng mga Didi. Kaya't masaya ako na sa pagkakataong ito ay dalawang pinakamatalik na "Didi" ang kasama ko.

Hanggang sa sususnod na paghahasik ng kabaklaan, mga teh.

AT, tulad ng sabi ni Didi, "MABUHAY ANG MGA BAKLA!'

Kung di mo pa napapanood ang Zaturnnah, e bakla anuba! labas na sa closeta at sugod na sa CCP, kei?

I leave you guys with some videos I found on Youtube showing the cast's performances for a Press Con at Bed, Malate:

@00:02, yung naka pink na hoodie ay si Cheeno! I LOVE YOOOOOOOOOOOOOUUUUUUUUU!!!!


@00:02 the cute kid assisting Pinky is Marco
In fairness kay Pinky, ang bongga pala bumirit ni ate (a much better fit than Agot, I'm sorry)

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin