Thursday, March 3, 2011

My Drag Transformation

Batong bato ako nung isang gabi. Hindi naman ako makapanood ng Tv dahil eme-emote si yaya sa Sala at di ko na bet rumampa sa labas (minsan kailangan ko din magpahinga noh!)

Nagkataon na nung araw na iyon ay nakausap ko si Gen (isang make-up artist) at na-inspire ako sa mga make-up tips na tinuro nya sa akin.

At dahil jan, naisipan kong pagpraktisan muli ang mukha ko for future Drag Kiyemburlats.

Panoorin ang aking step by step transformation, kei?

KEI!

NOTE: BAWAL ANG JUDGMENTAL AT SELF-RIGHTEOUS! TSEH!

STEP 1:

Syempre start muna tayo sa default face noh? May muk-ap na ako nun kaya ganyan di pantay ang skin tone ko. wala ng pakilamnanan. bibili pa lang ako ng bagong gamit. Pag bongga na mga gamit ko, abangan niyo, ikot mga ulo niyo sa ganda ko. :p


STEP 2:

Ahitin ang facial hair. Duh! kailangan alisin ang sumpa noh! san ka nakakita ng babaeng may goatee? Well, OK lang din naman kung ang theme ay PERYA! hahaha!

Maswerte na ako at hindi ako balbas sarado, kundi baka additional 30 minutes pagtatago pa lang ng sumpa. hahaha.


STEP 3:

Patagin ang mukha. As in kulang na lang masilya ang gamitin.

Pati ang Kilay! importanteng itago ang kilay!!! Lalong lalo na ang mga chismis sa mukha! dapat mukhang flawless, or in this case, dapat mukhang nadapa sa isang banig ng espasol.

Again, patawarin ang funda na 3 tones lighter sa original complexion, kei?


STEP 4: EYES

Palaging inuuna ang mata. Wag niyo ng itanong sakin kung bakit. basta mata palagi ang una, kei? Siguro kasi para kapag may fall out na shaddow madali pang maitama. so yun mata muna.

Step by step din ang paggawa ko ng mata.

Alam niyo kasi ang sumpa ng mata ko, hindi sila pantay, isang hooded at isang mega crease so kailangan ang crease ng mata ko e mejo mataas. Basta!

For this look, ayaw ko nung usual na ginagawa kong BULAGA! BAKLA! mejo mas subtle ng konti, yung mapagkakamalan pang tao (na sana na-achieve) so ayan:

Una: Gray eyeshaddow sa lid:


Pangalawa, shimmery Purple base shaddow:

Kailangan ng kulay dito para maitago ang kilay!


Konting blue (na nung nagblend ay naging Indigo-ish) malapit sa crease:


At konting dark blue para ma-define ang crease:


Dark Gray ng ma-contour ang lid:


At silver sa inner corner ng mata:


STEP 5:

I-drawing ang kilay. Wala akong eyebrow pencil or color at hindi ko pa namamaster kung paano sya gamitin, so LITERALLY naka-drawing talaga ang kilay ko with a black liner, Hahahaha!


STEP 6: Blush and contour

Syempre dahil pinatag ang mukha dapat lagyan ng konting hubog at kulay. Mejo wash out sya sa screen ko, sana sa inyo hindi pero I swear keri yan!


STEP 7: LIPS!

Ayaw ko muna gumamit ng puta red lips para maiba naman, mejo nude-nude-an lang ang drama:


STEP 8:

Syempre bonggahan dapat ang liner. Makapal at nagsusumigaw tapos lagyan na din ng mala-pamaypay na pilik mata:


Dapat after nito ay hair and outfit pero wala ako hair sa bahay at tinatamad na akong mag outfit so let's skip to the best part:

STEP 9: ENJOY IT!


PAK!

>
PHAKH!!!

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin