Sunday, February 13, 2011

Musings of a Meditating Drag Queen (MMDQ) 01: On the Impending Vday Tragedy

Bukas na ang isa sa mga pinaka-bi-polar na Holiday sa buong taon. Habang ang iba'y nagpapaka-mushy na kulang na lang ay buhusan ng arnibal ang mga mukha sa lagkit (sobrang sweet nakakainis na) ang iba nama'y kala mo ay kulang ang pinagsama-samang lubid, sa lalaht ng hardware sa Maynila para ipambigti.

Funny lang ang kumbinasyon ng bitterness at ng nakaka-umay na tamis. Parang 'sang kaing na ampalaya na coated in caramel. hahaha.

Okei lang naman maging sweet. Ikaw ng may boyfriend, di ba? e di might as well milk it for all its worth. And TROTZ, kiber na lang ng mga utaw kung ang PDA ninyo ay di na magkasya sa tunay na buhay at kailangang dalhin natin hanggang FB, Tumblr, Twitter, isama mo pa ang Youtube at Likedin!!! Kung di ka pa makuntento, pagawa ka pa ng billboard.

Pero wag masyado bigay todo noh? Kahit na wa-care ang mga jutaw, meron din tayong tinatawag na "Dark corners" or "discreet locations" or kung fight na talaga, "mot mot" ireserba ang ilang mga gawain para sa mga lugar na ito, kei? Ikaw din, baka umuwi kang may bukol. hahaha

At sa mga umaani ng ampalaya sa 14th, e keri lang din. Wala namang pumipigil sa ating magmapakla at magmaasim. Parte naman ng buhay ang malungkot, magalit, lumuha, tumulo ang uhog, at maghinagpis ng mas bongga pa sa Pieta. Pero wag kalimutan hindi lang ikaw ang sawi sa mundo. kaya wag mong angkinin lahat, sash, korona, scepter, pati bouquet inangkin mo na! GAHAMAN!

Ako, bukas, sa Singles' Awareness Day parade ako sasama. Wala akong bowa. Wala akong lablayp. Kahit date wala! BOKYA! ITLOG!

Pero kere lang. malungkot, OP, oo. Pero dedma na. Isang araw lang naman yan in a year.

Sabi nga ni Mercedes sa Glee, "We all gotta fly solo sometime". Not to mention, hindi lang naman sa lablayp umiikot ang mundo.

Thnk of it this way, being single means having more time to look into one's self - not to beat one's self up for the past nor to blame other people but to give yourself what you were not able to get in the past relationship.

Yes, ang mga nagwawakas na pag-ibig ay sadyang masakit, but it's all part of the shit that makes us what we are today - whether we make it for better or worse is totally up to us.

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin