Monday, September 20, 2010

Minsan dumarating Siya


Hindi mahirap humanap ng booking.

ang panandaliang aliw

ang mabilisang pagpaparaos
na pagdating ng umaga ay makakalimutan na.

Hindi mahirap humanap ng date

yung kasama mo manood ng sine

yung kakulitan sa telepono

na pagkatapos ng ilang linggo ay mawawalan na ng gana
at hahanap na ng bagong lalandiin

Madalas kong sabihing, "Lalake lang yan. Titi lang yan. Hindi ka mauubusan ang titi sa mundo." (ambastos ko lang, noh?)

PERO

Minsan may makikilala ka na:

magpapangiti sa iyo

mapapatawa ka na para bang hindi na darating ang bukas

masarap kasama sa kahit anong lakad

hindi mo makuhang pagsawaan at kung pwede lang e gusto mong makita sa araw araw na ginawa ng Diyos

kapareho mo ng pinagdaanan at pananaw sa buhay

naiintindihan mo, as in same wavelength

yung hindi mo makuhang landiin kasi nire-respeto mo siya

yung sobra sobra ang paghanga mo, gusto mong sumugod sa ospital magpa-blood test para lang mapatunayan na at masabi na, "Taena, oo, kung san san ako napdpad dati pero, heto! heto! malinis pa rin ako."

hindi perpekto, pero para sa iyo, ok sya, para sa iyo saktong sakto siya

Minsan...

Dumarating sya

* * *

Hindi ako magmamalinis. Hindi ako magpapanggap.

Hindi ako nahirapan humanap ng booking.

PERO

Simula noong naging single (ulit) ako, ngayon lang ulit ako kinilig ng ganito.

:)

IKAW

Kahit na di mo alam, at kahit di mo napapansin, salamat pa din.

Nalaman kong tao pa rin pala ako.

Nalaman kong puno man ng lamat ang puso ko, gumagana pa rin pala siya.


Sa hindi inaaasahang pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nag-dugtong, damang-dama na ang ugong nito
Di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding-hindi ko ipararanas saýo
Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pag-sinta

Ba’t ‘di pa patulan ang pag-suyong nag-kulang?
Tayong umaasang hilaga’t kanluran
Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo

Saan nga ba patungo, nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba’t di pa sabihin ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba ‘to sa hangin
‘Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako’t nakikinig saýo

3 comments:

  1. arghhhh ... oliver.. napaluha ako nang onti dito. :P

    ReplyDelete
  2. Hey Terri! I'm so touched that you still read my blog :) Thank you! mwah!


    Buti naman konti lang yung luha, teh. Ayaw natin ng baha-level ng luha. :D

    ReplyDelete

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin