Wednesday, June 30, 2010

This Wednesday feels like a Sunday


Umalis ako ng bahay.

nagpunta sa EDSA at humanap ng bus.

Di ko alam kung san ako pupunta, di ko rin alam kung ano ang dapat kong sakyan.

Basta ang alam ko, kapag nakakita ako ng disenteng bus sasakyan ko na sya.

Sa tapat ng Star Mall nakakita ako ng malinis-linis na aircon na bus. Sumakay ako, byaheng LRT Ayalaa.

Bahala na kung umabot ako ng Baclaran!

Nakaupo ako sa sulok, nakadungaw sa EDSA, ine-enjoy ang aircon. Hahaha. para akong wala sa sarili.

Maya maya nagtext si Happy: "Dito sa Makati, mag-gogrocery ako"

Late na naman ang reply ni bakla, kaninang lunch time pa yung text ko, pero dedma na.

Bumaba ako sa Rustan's at hinanap si taba.

Kasama niya si Cae, tinanong nila ako, "Anong lakad mo?"

"Wala, ito, napadpad ng Makati. sama muna ako sa inyo."

After nila magbayad ng bills, tumingin ng charger at panglinis ng laptop, umuwi na rin si Cae.

Sinamahan ko si Happy sa grocery, at habang kumakain ng rice in a box ng labag sa aking kalooban, casual na nagtanong si taba: "O, ano namang drama mo ngayon? Depressed ka na naman?"

Ako: "Tseh!"

Siya: "Wag mong sabihing bus na byaheng _________ ang sinakyan mo!"

Ako: "Syempre hindi. Ano naman ang gagawin ko sa __________"

Namili kami ng pagkain ng mga puppies ni Happy.

Hindi na rin namin pinag-usapan kung ano man ang gumugulo sakin....

I guess that's just how good friends are: gets na nya yun, kahit di namin pag-usapan. At OK na rin ako knowing na gets na nya ang problema ko.

Wa na ispluk; tama na ang malalim na buntong hininga.

Di na ako sumama sa kanya nung niyaya niya akong pumunta ng Roxas, alam kong napaka-BV ng aura ko at magiging sagabal lang ako sa kanila sa bahay.

So pagkatapos ko siyang isakay ng taxi sa may Glorietta 4, naglakad ako.

The way that I used to do back then.

Maglakad sa maayos na sidewalk sa gabi...

Maglakad hanggang sa kaya pa ng paa ko.

Sasakay na dapat ako pauwi nung umabot ako sa Makati Ave.

Pero parang hindi pa... konti pa...

Nagsindi ako ng yosi at naglakad pa... tumawid ng underpass... nagpalit ng playlist sa iPod... at naglakad pa.

Umabot ako sa RCBC plaza.

Gusto ko pa sanang maglakad lalo na't mejo lumalakas ang ambon. kaso baka mabasa ang iPod ko at cellphone...

Sumakay na ako ng bus pauwi.

On my way home, ito ang tumugtog sa iPod ko:


Sabi ng kanta:

In life there's pain
And there's problems that'll come your way
Just hold your head up
Take care of your business it will be OK

I know that you're feeling down
This deal's not appealing and you need a better hand
Coz you're doing the best that you know how
Things try to bring you down (bring you down)

Don't get caught up coz life goes on
in a minute it'll change stay strong
Don't get caught up coz life goes on
Things will get better if you just hold on

Don't get caught up
You better not get caught up
Don't get caught up
You better not get caught up
So yeah...

I'll try not to get caught up in the things that bring me down...

Minsan lang talaga, kahit diyosa tinatablan ng bala...

Pramis bukas lululon ulit ako ng bato,


Iikot-ikot


Gagamit ng mahiwagang espada


At maglalagay ng kakaibang muk-ap


Pramis bukas, I'll be back to regular programming.

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin