Sunday, June 20, 2010

Happy Father's Day

Ito si Tatot:


First of day class niya nung Wednesday. Kinder !, first time nyang papasok sa school.

Sa pila, siya ang pinaka-malaki... Ang short na suot nya kasya sa nanay ko... ata ng uniform na inorder namin para sa kanya (na hindi pa dumarating) e pang size ng grade 3.

SIya ay malaki, mabilog, maingay at iyakin.

Sa tatlong araw nya sa school e araw araw daw syang umiiyak (sabi ng teacher). Akala daw nya ay iiwan sya ng nanay ko. (hahahaha)

Umuwi sya nung Thursday na may star sa a kamay!

Syempre natuwa ako! Tinanong ko ang bagets: "Bakit ka binigyan ng star ng teacher?"

"Kasi umiyak ako..." sagot ni tatot.

Ay...

Madalas kong naikukuwento sa mga kaibigan ko ang mga misadventures at mga kakatawanang pakulo ng bagets.

Madalas din ganito ang tanong nila sakin:

Ok lang ba seio kung maging bading din si Tatot?

And I'm like, DUH! Haller! mukha ba akong homophobe!?! seriously!



Di ko maintindihan bakit minsan sinasabihan nila akong, "wag mo namang gawing bading din ang junakers mo!"

Una sa lahat, naniniwala ako na hindi naman napupulot ang kabadingan, sadyang pinapanganak na bading ang mga utaw... kung ang bata ay tinadhanang maging straight, kahit ipagdukdukan ko ang mukha niya kay Lady GaGa e hindi siya mababading because his INNATE INSTINCTS will tell him, "Pare, hindi macho ang sumayaw ng naka net stockings!"

Pangalawa, isa akong full fledged beckers and I don't feel like there's something WRONG with me being that way... That being said, I don't see any problem should Tatot grow up to be as faggy as I am.

Walang masama sa pagiging bakla...

Minamasama lang ng ilang tao ang aming kabaklaan.

Yun lang.

Happy Father's Day to me

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin