Sunday, May 9, 2010

Thinking Aloud 001: Vote for Ang Ladlad


Last Tuesday, on our way to Shang from a meeting, one of our Merch Managers asked us, "Sinong iboboto niyo?"

There's a general murmur of who's who and what not, etc. I blurted out, "Wiz ko knows, teh. Basta Ang Ladlad for Partylist"

As with all my faggy hirits, I was met with a generous round of laughter... TSE! mga vaklitang yun, seryoso kaya akoh!

Humirit ang isang bektas na kasama namin: "What does Ang Ladlad stand for ba?"

Siyempre, bibo ang sagot ko, parang beauty queen lang, "I wouldn't claim to be an expert on the Philippines' political LGBT Agenda but one their top priorities is passing the Anti-Dicrimination Bill!" (sabay smile, wave, at iyak! FLYING KISS! FLYING KISS!!!)

Ito ang buong plataporma ng mga baklita sa Ang Ladlad, kuha ka na lang ng magnifying glass dahil kaliitan ang picture:


"But I don't feel discriminated!" hirit ni bakla.

Sagot ako:

Well, una sa lahat, ang mga Pilipino ay hindi katulad ng mga Kano na OA ang galit sa mga bading. The Filipino people are more accepting if not tolerant of our differences. Pero even so, we have deep cultural (and RELIGOUS) roots kung saan nagmumula pa rin ang pasulpot sulpot na pang mamata (kung masyadong OA ang pang-aapi) sa mga bakla.

On a personal level, of course hindi mo masyadong ramdam na discriminated ka. That's because gays like you (and me - idamay ang sarili! hahaha) are privileged enough to have had a good education from prominent universities and was able to land respectable jobs in pretty big companies.

Pero hindi lahat ng mga bakla sa Pilipinas e kasing swerte natin. Tulad ng nakararaming Pilipino, marami ring mga bakla ang underpriviledged, under educated, at walang laban.

Marami na rin namang mga bakla sa Pilipinas ang may mga narating, napatunayan, at hinubog ang lipunang Pilipino. But don't ever think that that has changed the mindsets of people. After all, ang pang-aapi ay manifestations lang. Ang tunay na diskrimansyon ay nag-uugat sa isipan ng tao: mula sa pag-iisip na ang mga bakla ay MAS MABABA (in several ways) dahil sa ating sekswalidad.

Kaya kailangan natin ng backing ng batas, dahil unless maisulat sa papel na BAWAL at MASAMA ang diskrimansyon dahil sa kasarian o sekswalidad, mas mabibigyan ng proteksyon ang mga kapatid nating walang laban.

May humirit: Pero these days, hindi na naman uso ang gender discrimination...

YUN ANG AKALA MO!

Yung mga "mukhang lalaki" na mga bading e nakakalusot sa maraming bagay. Pero ang pinaka mainit sa mata ng lipunan ay ang mga mujer, trannies (no offense for the use of the word, generally pertaining to transgenders and transvestites), at mga butch lesbians

To site some examples:

UNA

Last year after magladlad ni Rustom now better known as Bebe ay nagounta siya sa isang bar sa Ortigas (I forgot which bar it was).

Hindi siya pinapasok dahil ayon sa staff at sa may-ari nilabag ni Bebe ang patakaran ng establisyemento sa pagsusuot ng damit babae sa kabila ng pagiging biological na lalake.

What the owners don't understand is that Bebeis not a drag queen (like me who puts on female clothes for amusement) but a transexual who sees himself as a woman... there's a difference. And not many people see that.

PANGALAWA

Matagal na ito, sa isa ding bar sa ortigas, nasa loob ng isang bar si Inday Garutay. Umorder ng inumin. Nilapitan siya ng may-ari, pinaalis at sinabihang, "You're money's not good here"

Well, napahiya ung may-ari dahil nagsampa ng kaso si Inday Garutay at nanalo si ateh.

PANGATLO

I have this friend who's a garments designer. He's in his 30's and is Avatar-like tall (around 6'++). He's super slender and wears his hair in a bob. In drag, she's a faboosh modelesque being who can easily give any model a ruin for their money.

He left his old company and was applying for another job in a slightly prominent clothing brand. The HR person bluntly told him that they "do not hire practicing homosexuals"

WTF right!?!?

HULI SA LAHAT

Well, may ilang mga entries na rin ako ng mga instances ng diskriminasyon dito sa Pilipinas.

Basahin dito at dito

Ang kabaliwan na ito ang pinakamatindi: CLICK CLICK CLICK!!!

Nilabanan ito ng matatapang nating kapatid at ni Risa Hontiveros (na isa pang dapat iboto) kaya naman hindi ito natuloy.

Hindi po ilusyon ang diskrimansyon sa Pilipinas.

Hindi po kathang isip ang mga panlipunang pangangailangan ng mga kapatid natin tulad ng pag-address sa HIV-AIDS, ang pag-aaruga sa mga inabandonang matatandang bakla, at ang pangha-harass ng mga pulis sa mga bakla.

By the time we got to Shang, our Merch Manager said: "Ano nga ang pangalan ng party list na yan?"

Ang Ladlad, No 89 sa balota.

"Sige, no 89. tatandaan ko yan"

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin