Saturday, May 22, 2010

Ewan ko lang talaga!

"Kumain ka na!" Nakabulyaw na naman si Inay habang nagbubukas ako ng Facebook.

Kadarating ko lang sa bahay at alam ng Nanay ko na dayukdok na ako sa gutom kaya pinagluto pa niya ako ng itlog para sa sandwich.

Pero kasalukuyan akong nagchecheck ng Facebook.

"Ano ba, ber! Kumain ka na!" Ang kulit ng nanay ko.

Nawala ang gutom ko sa nabasa ko sa Facebook.

"Sandali lang, nay...."

Nanginig ang buong katawan ko. nawala ang antok, pagod, at gutom. Para akong nanalambot at binagsakan ng kisam sa bigat ng naramdaman ko.

"Ber! Kain na! ano ba!?!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko, "May ginagawa nga ako, eh! Bakit mawawala ba ang pagkain pag hindi ko siya kinain ngayon? Sabi na ngang sandali lang eh!"

SHET!

Sorry Inay, di ko sadyang bulyawan ka ng ganun... Pero kung alam mo lang inay kung ano ang binabasa ko sa harapn ko, maiintindihan mo:


Unti unting gumuguho ang mundo ko...

Hindi lang sya basta "Happy and Contented", Married pa daw siya.

Tang ina naman talaga oh.

TAE!

Simula nung tinawagan niya ako nung Bday ko, natuliro na ang mundo ko.

Oo, I wwas on a downward spiral. But I kinda picked myself up from there.

Unti-unti sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Hanggang sa nagkita kami nung umuwi siya ng Pilipinas.

Oo, maraming bitterness at kung anu-anong kaasiman ang namagitan samin, pero malinaw ang agenda ko sa simula pa lang:

Gusto kong makipagbalikan.

Oo, desperate, so not me. But what can you do, right? Mahal mo. Sabi nga ni Sam, feelings yan, mahirap yan kontrolin.

Alam kong mejo malabo, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.

"Hindi ako naghahanap," sabi niya. "I'm not closing any doors for you."

That was two weeks ago, pagkabalik niya galing Japan.

To quote Izel, gusto kong sumigaw ng isang tumataginting na EWAN KO LANG, AH!?!?!

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin