Tuesday, March 16, 2010

Yeah, Ma, REALLY SUBTLE

Masinop akong bata pero aminado akong nuknukan ako ng burara.

I mean, just look at my office table:


actually nung December pa yan, mas malala na siya ngayon...

You can barely see the table!

hahahaha!

Ganun din ako sa bahay.

Usually sabog ang gamit ko sa loob ng kwarto. Nakakatamad magligpit minsan eh.

Minsan pag may nawawalang gamit o kpag nangririmarim na nag nanay ko sa kwarto ko, inaayos niya yung gamit ko for me.

Tapos pag may importanteng bagay akong naiwan, nilalagay nya yun sa gitna ng kama. Parang sinasabing "napaka burara mo talaga, tingnan mo nakuha ko".

Madalas cellphone, o yun singsing ko dati. Pag dating ko sa bahay may kasama pang sermon yun ng, "Hay naku, napaka-burara mo talaga!"

Kanina pagdating ko ng bahay, ito ang asa gitna ng kama ko:



This time walang kasamang sermon.

Hahahaha!

Di ko alam kung ang gusto ba nyang sabihin e, "OO NA ANAK< BAKLA KA NA!"

o di kaya, "Hay naku! baklang ito, chorva ng chorva!"

Hahahaha!

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin