Sunday, September 20, 2009

Rave galore: In My Life

OMG OMG OMG!!!

Sorry lemme spell it out para ma-feel niyo ang excitement at kileeehg coming from down under:

HUWOW MAAAAAAAAAY GGGGGGGGGGGGGAAAAAAAAAAAAAAAAAADDDDDDDDDD!!!

Ito na!!! ito na ang trailer ng In My Life! Clicksung na mga bakla:




Naulinigan ko pa lang siya earlier this year, sobrang alam ko na MUST SEE ang movie na ito (check blog entry here)! For 3 main reasons:

1. ATE V! ~ like, haler!
2. Luis and John Lloyd as a GAY couple living in NEW YORK (OK, mejo stretch yung living in NY pero kebs na!)
3. potah si Luis at John Lloyd as a gay couple, kelangan pa ba mag-add ng number 4 just to stress how compelling this factor is?

...

4. bading sila John Lloyd at Luis sa movie!!! ~ ayan!



Heniwei, I just saw the trailer earlier tonight and I must say, sobrang lalo akong na-excite!

THIS MOVIE HIT THE JACKPOT
  1. For one, bihira magkaron ng mga comedic roles si Ate V lately, at nakaka-miss yun (not to mention, nakakatuwa sya! SHHHHH! SHUT UP KAYONG LAHAT! hahahaha)
  2. John Lloyd and Luis look SO BELIEVABLY GAY (and might I just add, they'd make a cute couple ah!)
  3. And lastly, a very encroaching mother and a same-sex relationship - shet so relateable (again, sans the NY shiz). Ang mga ina, I'm sure, ay malalapit sa puso ng mga bakla ~ e hello,bihira naman kasi ang mga amang malambing sa mga baklang anak, divine? Usually, bugbog at gulpe ang inaabot ng mga princesa ng tahanan. At madalas, jan umiikot ang mundo ng mga bektung ~ sa mudras at sa jowa (well, mostly sa jowa kasi may achievement galore dun, pero suta! magka-luslos na ang baklang walang utang na loob sa ina nila, noh!)
BUKAS NA BUKAS DIN MANONOOD KAMI NG MUDRAS KO, mag-iyakan na lang kaming dalawa sa sinehan. tse!

AND BEST OF ALL

Ngayon lang, I think, nagkaroon ng mainstream Pinoy movie that depicts REALISTIC same-sex relationships! AS IN!

This is the kind of shit that some supposedly "artistic" gay indies are supposed to discuss (see related post on fakers gay indies here) pero mas madalas na ang laman lang ng gay indies nowadays ay puro hada-han lang (see another blogpost about frustrating gay indies here).

Gay couples these days are no longer as "titillating" ~ aka FUCKED UP ~ (sorry for the lack of better terms) as gay indies portray they are:

  • Magpinsan na nagtitirahan: Ang Lihim ni Antonio
  • Childhood Bestfriends turned strippers: Sikil
  • "straight"-acting married guy and a kept bottom boy: Daybreak
  • Barkadang nag-road trip at nagtirahan: Kambyo
  • Flamboyant fag from the city and a kept "straight" guy frm the province in need of financial support: Ang lalake sa Parola
  • sex workers na nabading kakapahada: Sagwan
  • Magkapitbahay turned lovers turned sex workers: Walang Kawala
  • and the list goes on....
It's time gay couples are portrayed to be MORE THAN sex-crazed man-meat eaters. Kung nagawa siya ng STAR CINEMA (susme!) why then do so-called "Film artistes" in the indie scene can't do it (of ocurse, we have several exceptions such as Jay, Masahista, etc etc)?

Take that you scummy indie filmmakers!

* * *

Ang tindi ng kurot sa puso ng pelikulang itey, 'ning! At dahil hindi kumpleto ang isang Pinoy Movie ng walang big dramatic sumbatan scene, talaga namang mapapakagat ka sa labi habang talsik laway si John Lloyd ng:

"Anak mo lang syah, hindi mo siya pag-aareeh! At hindi lang ikaw ang may karapatang magmahal sa kanya!!"

Shet! sana naman huwag umabot sa point na kailangan may mag-quote pa niyan sa main noh? Per if in case, ilalagay ko na yan sa aking book of must-use movie quotes in one's lifetime

Manood kayo, mga bakla!

tse!

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin