Saturday, August 1, 2009

Hunkiness Papalicious na, Bookworm pa!

OPENING SCENE: Ako; humahangos at nagtatatkbo sa ibabaw ng Oliveros foot bridge sa EDSA, Balintawak. Mainit ang araw pero kiber, male-late na naman ako...

pagka-BEEP ng timekeeping chorva namin, back to rampa mode na ako. Pasok sa oras! Now kelangan poised pagpasok ko ng lobby; mahirap na, minsan nag-uumapaw siya sa mga naggu-gwapuhang modelya!

And true to it's promise of morning modelya sighting, there right smack in the middle of the red couch is a hunky foreigner-looking pair of gorgeously sculpted arms!

UMMMMMMMMMMM te! Yang Chow fried rice dali! PaRiKnorr! (Papa, Kanin at Knorr soup! hahaha ang chaka!)

Heniway, ayun siya, naka-sando at talaga namang may I flex the arms habang nakapatong sa coffeee table sa harap niya.

Natatakpan ng cap niya ang fez, pero kiber na, mga bakla, sabi nga ni Nar sa Zsazsa Zarturnnah Ze Muzikal "Braso pa lang ay ulam na"

But hu-wait! There's more!

Habang nirarampa ko ang kaiksiang rampahan namin na lobby, napansin kong may pinagkakaabalahan si Papaness sa coffee table: isang libro! ISang malaki at makapal na libro!!!

Imaginin mo yun! Hunky-ness papa-licious na, Bookworm pa! CHOZ!

Hindi lang masarap tikman tingnan, mukhang masarap din kausap!

Hu-we-hell.. May I slow down sa pagrampa para magpapansin eklavu...

Konting kiyembot... kunwari may chine-check sa reception... uy what's this? AY puke, I dropped something, may I tuwad ng konti....

SHET... ang serious ni hunky-ness papa-licious!

As in mega-basa siya ng ka-libruhan niya! Law student din kaya siya? OA sa kapal yung binabasa...

Hindi man lang lumingon ng kaunti... seryosong seryoso at nakasubsob ang mukha sa pagbabasa...

AND THEN... napansin ko ang lubrong binabasa niya....

Potah! winalkout-an ko nga!

Makapal ang libro

Maliliit ang sulat

Kulay DILAW ang pahina

LECHE Telephone Directory ang kina-career ni mokong!

TSE!

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin