Saturday, August 15, 2009

Haunted

While Facebooking (yes, it's a verb now), I accidentally stumbled upon a network of friends while checking out one of my friends' profile.

It was a network of all my past Elementary classmates.

* * *

Hindi ko maintindihan, bakit ba pag naaalala ko ang elementary (lalo na kung PCC) o kahit anong may reference sa kabataan ko e kinikilabutan ako!

Siguro dahil, y'know, nung nag high school ako e pinilit kong ibaon sa baul at sa limot ang mga kabklaan at masasaklap na kachorvahang naexperience ko noong Elementary pa ako.

Noon kasi e mataba ako (as in walang leeg). may malaking salamin, ampangit ng buhok, at malanding malandi (feeling ko dati e sinapian ako ni Sailor Venus sa kagandahan!)



Sa kasamaang palad, hindi siya magandang combination ng traits sa isang Catholic all-boys school.

So may mga times na napapagdiskitahan ako nung mga mas malalaki, mas machong mga bully. Or napagiinitan ako ng mga mas matanda at mas malalanding bakla (yung capatin ng volleyball team ini-spike-an ako ng bola sa ulo - mga ganun)

In summary, ang pitong taong ginugol ko sa PCC noon e mejo pinaghaluan ng mga mapapaklang alaala. In short nakaka-trauma siya for me at ayaw ko na siya balikan.

* * *

But when I stumbled upon ythis network nga - mabalik lang tayo sa original na kuwento - mejo may kaunting "UY!" na kumalabit sakin.

Nakita ko yung seatmate ko nung grade 4 pa ako na nuknukan ng payatot at palagi kong kaaway...

Yung isa sa mga punong baklita ng batch namin...

Yung suki ng boyscouting...

yung batch clown/prankster...

yung crush ko dati... straight pala siya after all...

yung isang tigasin na kabatch namin.... profile pic pa lang slightly may naamoy na ako....

at yung isa sa mga close friends ko dati na parati ko pa kasabay mag-lunch hanggang uwian!

walang isip-isip, may I clicksung sa "add friend"...

Mejo may pinili naman ako,. yung iba kiber na, pero yung iba sige lang, as long as sounds family, go.

After ko siguro makapg-add ng mga isang dosenang tao e bigla akong napa-isip...

SHET...

baka hindi na nila ako matandaan...

Sila kasi nag-stay sa PCC at sama sama nag high school. Ako e lumipat na ng ibang school...

at saka, pag nakita nila ang profile pic ko:



Mejo may kalayuan sa dati kong ichu... noh?

Not to mention, mejo nakakahiya ang laman ng profile ko. Sa mga taong friends ko na ngayon, naestablish ko na na isa akong balhurang bakla, pero baka lang may shock factor pag ang bumungad sa kanila e ganito:



or ang mga photos ko na ganito:



Pero in the end, napagtanto ko din na wala akong care...

Kung ayaw nila e di wag.

TSE... they don;t know what they're missing...

nakakaaliw kaya akoh!

HMF

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin