Tuesday, August 11, 2009

Ang paglulumandi ni Maria Jolivia

"Be, anong nangyari? Ano ang dahilan at nagbago ka na?" tanong ni Christian sakin habang nakasakay kami sa bus nung Lingo.

He was talking about my sense of style.

That day, I was wearing a fuschia shirt with a large yellow spraypaint smiley, a short boardshorts, and red plaid sneaks. To top it off, gamit ko din ang cute cute na octopus totebag ko.


Ito yung Octoopus bag cute naman di ba???

"Nung nagkakilala naman tayo be, mejo mas nasa masculine side ka pa..."

Well, may point siya, ganito ang ichu ko before:


This photo was taken in Tagaytay 3 days after we met (October 2007)
(Thursday kame unang nag "date" this was taken the Sunday after)


Ito naman ako ngayon:


Taken during my officemates' joint birthday celeb
(kapatid ata nung celebrant yung sa gitna. haha)


Ano nga ba ang nagbago?

Well, aside from the obvious fact na nuknukan na ako ng Tsubabie ngaun...

1. Mejo hindi na ako masyadong nagsu-suot ng black - ang emo kasi, eh! Mejo mas bet ko na ang mga kulay na nagre-reflect ng personality ko... like fuschia, pink, apple green, neon blue, yung mga ganun

2. Hindi na din ako masyadong nahihilig sa mga galit at pa-emo na statement shirts. YAK kadiri, again ang emo. mejo mas bagay ata sa personality ko yung mga graphic shirts na mejo mas makulay at mas masaya


parang ganyan

3. Nabawasan na din ang mga rubber shoes ko. i said goodbye to my Puma and Adidas at napalitan na sila ng mga pinted leather shoes, pati mga sneakers pointed din

4. Pinagtatago ko na din ang mga backpacks ko at mga messenger bag at pinalitan ko lahat ng tote bags. para mejo mas Fasyown kahit kaswal lang.

Pinagmuni-munihan ko ang mga tanong niya....

...

May punto naman si Christian. I guess over the course of 2 years e unti-unti akong naglumandi (ok, dagdagan natin ng "mas" dahil malandi na rin naman ako before)

Hindi ko naman maitatangi, simula nung naging kame e mas umalagwa ang pagKIYEMBOT ko. Shempre noh, haba kaya ng hair ko! hahahaha

Truth of the matter is, wala naman masyadong nagbago, nagpapakatotoo lang ako.

Hindi ko (na) kayang magpanggap na machokolado ako, dahil hindi naman talaga.

Mapipigilan ko ba ang balakang ko sa pagkendeng?

Mapipigilan ko ba ang mga daliri ko sa pagpilantik?

Mapipigilan ko ba ang pagsasalita ko sa pagkulot?

OO

pwede

pero mas guto kong maging totoo sa sarili ko.

ITO AKO

BAKLITA

BECKY

VAKLUSH

mas nanaisin ko pang maglumandi at maki-kiyembot at ismiran ng buong mundo kaysa magpanggap na "straight" para lang mapasaya ang ibang tao.

...

"Ano ang nagbago, be?" tanong niya sakin ulit.

"Mas malandi ako ngayon... So ano, itatakwil mo na ako?"

"Anuba, be. Kung ganun e di sana kanina pa ako nagtatakbo pababa ng bus, noh!?!" sabay kiss

Yun naman pala e....

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin