Sunday, May 3, 2009

Lakad, laboy, date, pagod

Simula nung na-ospital ako nung December (see related post), e parang never na akong naka-recover ng ayos at paminsan minsan e inaatake pa rin ako ng sakit ng katawan.

Kapag ako'y nasakay ng jeep, madalas ay hirap ako bumaba gawa ng pagyuko

Kapag naman matagal akong nakaupo e hirap naman ako tumayo at lumakad

Madali na ring mangawit ang likod ko ngayon.



Katulad kanina: dahil walang traffic c/o the pambansang kamao, Manny Pacquiao, sinamantala namin ni Christian ang maglibot libot... Actually chenes lang si Manny, plano talaga namin maglibot because y'know, Sunday is date day and all that.

HENIWEI

Umaga pa lamang e kandakumahog na akong madala ang mga dapat kong dalin gawa nga ng magkikita kame... ang sandamakmak na mp3 ng Hed Kandi at kung anik anik pang house chorva music cheneler, ang mga peg ng prospective hairstyles niya, ang pasalubong ko sa kanyang Goya Mint Chocolate, at ang props kong View Master para sa Quiapo (mahabang kuwento)



Mula Pasig, ang biyahe ko ay jeep, bus, at jeep ulit. Mejo nakadalawang jeep ako papuntang Las Pinas dahil nakasakay kami ng holdaper. Nakakatagtag lang pero OK naman kse lunch din kme agad pagkatapos at "tumamabay" lang kame sa bago niyang bahay... hehehe.



Mga bandang alas tres na ng nakaalis kame ng bahay. Nagbus naman kami papuntang Buendia/Gl Puyat kung saan nag LRT naman kami hanggang Carriedo.



Mula sa istasyon e nilibot libot namin ang Hidalgo sa paghanap ng photography shop na may kakayanan pang magprint ng slide reel.



Hindi successful ang adventure namin na yun. so may I lakad kami around Quiapo, sa church, sa underpass, sa Echague sabay sakay ng jeep hanggang Recto.



Mula Recto nag G-liner kame hanggang Greenhills.



At dahil ang Greenhills e naguumapaw sa damit, cellphone, bags, at kung anu-ano pang bagay na nagpapaikot sa mundo ni Christian (okay, sa mundo ko din! haha) e mejo nag-ala-Indiana Jones kami sa pagsuyod ng Shopping Center hangang sa dumating si buyer ng iPhone niya (binenta na niya ang kanyang 8g dahil narealize niya na kulang ang 8g sa kanya! wahahahaha!Hndi ko talaga bet ang iPhone, swear)



From Greenhills e jeep naman kame hangang EDSA. Pakshet ang jeep na hindi na pala natawid ng EDSA papunta Galleria. hmpf. so lakad again up and down the overpass hanggang sa ma-reach ang Gale, nagpajikot jikot, in the end, wit kame nahita sa GAYleria dahil walang magandang palabas.

So go sa gamol kame, rampage galore lang kse ang shugal magpuno ng Vanessa Williams.

Pag arive to the MeGAYmall e sus, inatake na ako ng katandaan at shumakit na ang likuran key. Hindi kinaya ng kapangyarihan ng bato ang adventure galore namin around the Metro.



Ang totoo niyan, nakakpagod siya. as in hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang Quiapo sa balakang koh, shuket!

At nagyong patulog na ako, naiisip ko tuloy bakit nga ba kami nagpakapagod ng husto? Pwede naman kaming shumigil na lang sa bahay, bumorlog at "tumamabay" galore. Pwede naman sa ATC na lang kame rumampage. Keri naman lumafang sa SM Southmall.

Actually, pwede naman dumaretso na lang ako sa Quiapo nung umaga and have it over and done with. Bakit nga ba ako humahanap pa ng sakit ng katawan?

And in a flash, parang di man lang nag-isip, lalabas sa isip ko ang sagot:

... ang makita ang ngiti ni Christian sa unang pagkakita niya sakin (may kasama pang kiss)

... ang marinig ang pa-cute niyang "Awwww tenkyu bebi alabshu, pakiss!" pagkabigay ko ng Goya Mint Chocolate

... ang pag-akay niya sa akin habang nasa gitna ng crowd ng Quiapo

... ang pag-akbay niya habang nakasakay kami ng bus

... ang mga panakaw na kiss (kileeeg) habang paikot-ikot kami ng Greenhills

... ang pursigido niyang paghahanap ng cellphone para sa akin kahit na hindi naman ako bibili at mas kailangan niya ng bago

... ang paglalambing niya sa loob ng jeep kahit na pinagchichismisan kami ng pokpoking babae sa tapat namin

... ang marinig siyang sabihin na "may maganda kayang Indie ngayon" dahil alam niyang yun ang hilig ko

... ang marinig siyang pinaplano ang mga susunod na araw para sa aming muling date :)

... ang samahan niya ako sa impossible quest ng paghahanap ng utensil rack para sa nanay ko (may specific siyang gustong utensil rack na ewan ko ba kung san meron!)

... at ang makitang bukal sa kanyang kalooban ng sinabi niyang "Ingat ka bebi, miss na kita agad."



Sulit naman pala ang akit ng likod...

1 comment:

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin