Tuesday, May 12, 2009

Hindi "parang isang bagay" ang mga bakla, tao po kami

Mayo na naman kung kaya't umaalagwa na naman sa rampahan ang mga dalaginding, bata, matatanda, at mga nagga-gandahang dragona/sirena or for more PC chenes, Transgender sisters!

Siyempre dahil ang santacruzan ay isang religious tradition commemorating the Queen Helena's search for the cross together with Constantine, mega react ang simbahan sa mga pabonggahang nagaganap.

Hindi nga naman Beau Con ang santacruzan mga ineng!

But wait! bakit inaalipusta na naman ang mga becky?



Sa isang interview kay Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, Catholic Bishops' Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs head, tungkol sa pagsali ng mga bading sa santacruzan, sinabi niya:

Bilang isang religious activity, ang ating pananaw ngayon ay hindi po dapat lalahukan ng mga bakla sa pagkat ang mga bakla ay parang isang bagay na abnormal sa ating sitwasyon at karaniwan pag merong mga paglahok nila ay ang pagtingin ng mga karamihan sa atin ay parang nababastos na gawin

Ayoko na sanang patulan pero talaga namang nakakapag-init ng ulo, di ba!?!

Basahin ang buong article at ang aking opinyon sa issue sa Rainbow Bloggers Philippines.


Matagal ko ng tanggap na ang mga tulad ko ay sinusuka ng simbahan.

Hindi na ako makikipagtalo sa merits ng posisyon ko, dahil matagal ko na ding natanggap na walang patutunguhan ito.

Hindi ko naman kailangan ang simbahan para magdasal at kausapin ang Diyos di ba?

Simple lang naman... Kung ayaw nila sakin e di huwag! KIYEMBOT!!!

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin