Monday, May 11, 2009

Ang nagbabantang pagbabalik ni BB, ang baklang baldado

Nagising ako kaninang umaga na sumasakit ang aking kaliwang balakang...

Nkakatawa sana ang pangyayaring ito, para akong matandang nirarayuma, ang kaso nung huling beses na nangyari ito e halos 2 buwan akong di nakalakad.

Hindi ako nagpapatinag sa sakit.

Pinakita ko sa nanay ko na kaya ko ang sarili ko. Pumasok pa nga ako ngyaon sa opisina just to prove my point.

Ang totoo niyan, hindi naman siya kasing sakit ng dati. Kumikirot lang siya kapag inaapak ko ang kaliwa kong paa.

Pero ngayon, 3:45 ng hapon, wala pang 7 oras sa trabaho, ay nagsisimula ng mangawit ng likod ko. Nararamdaman ko siya, nagrereklamo. Hndi na niya kayang dalin ang bigat ng katawan ko.

Bukas, panigurado, papasok ako ng nakatungkod at spine support.

Ayoko namang takutin ang sarili ko. Alam kong panandalian sakit lamang ito. Kaya pa naman sigurong daanin sa usual na theraphy at exercise sa bahay.

Pero ang totoo niyan, natatakot ako.

Ayoko ng bumalik sa ospital.

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin