Friday, April 17, 2009

Back to the 80's: a senti soundtrip

Dahil sa aking recent fascination sa version ni Britney ng "You Got it All", I'm suddenly thrown into an 80's soundtrip (basahin ang post ko dito)

Halina't balikan ang dekada ng ating kapanganakan at namnamin ang mga kantang hindi mo alam pero naaalala mo at kapag narinig mo e talaga namang parang kulangot na di maalis sa isip mo....

I personally don't find them cool... pero I don't know, lumalabas ang Videoke Queen inside me pag naririnig ko ang mga ito...

Una sa listahan, of course, ang You Got It All ng The Jets. Salamat ng madami kay Britney Spears sa muling pagbuhay sa aking interes sa mga kantang ganito.... parang Easter lang! ay! blasphemous!



It was released in 1987 from The Jets' self titled album. In fairness sa mga bakla, nag number 1 siya sa Billboard! O siya, tama na, click and enjoy:



Siyempre bago ako nag nostalgia attack, nauna muna ang Bebi ko sa kanyang addiction sa kanta ni Tiffany:



Hindi ko masyadong mahal at lalong hindi ko masyadong knows ang bilatchinang itey. I guess she's a one-hit-wonder. In fairness naman kay bakla, Ok naman ang kanta niya. Galing sa kanyang 2nd album, ito ang All This Time:



Ito namang kantang ito e narinig kong pinapatugtog sa office kaninang umaga. At inaamin ko, di ko napigilan ang sarili ko, I had to burst into song! hahaha

Technically, labas na siya sa 80's theme coz the single was released in 1991 from Wilson Phillips' self-titled debut album.



Pero kiber! Tunog 80s pa din kaya pasok sa banga! (walang kokontra) You're in Love, pakinggan niyo:



Siyempre, I saved the best for last...

Tuwing naririnig ko siya e mejo nagiging emotional ako... Siguro kasi na-feature siya sa isang episode ng Queer as Folk kung saan nag slowdance si Mike at ang boyfriend niyang si Ben.... awwww (season 4, episode 10 - hinanap ko talaga noh!)



Sorry na lang kayo... pero kinikilig talaga ako sa eksenang ito...



Now imagine the scene with this in the background, Can't Fight this Feeling:



Ang original na kumanta nga pala niyan ay REO Speedwagon and it came out in December 31, 1984 (halos kasing tanda ko a!)



Tama na... nagsesenti na ako...

Ano pang iniintay niyo!?! ilabas na ang videoke, beer at garlic mushroom!!!!

2 comments:

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin