Monday, March 9, 2009

The NBI Clearance Experience

The thing with new employers is that they usually ask a whole bunch of documents for pre-employment. An since they were asking for an NBI Clearance, fly ang beauty ko sa Carriedo!

* * *

Kung ikaw ay tulad kong di bihasa sa mga ganitong lakaran, alam ko ang tanong mo: "Nasa Carriedo ang NBI?"

For REALZ, vakler!

Ang alam ko ito ang Carriedo:



Hindi ako madalas sa Carriedo, pero sa tinagal-tagal ko ng napapadpad jan sa area na yan, ni minsan e wala akong nakitang office-looking building o malinaw na sign para sa NBI. Tingnan mo nga yang picture na yan, asan siya jan!

Ok to be fair sa NBI, may nakakuha ng pic na andun ang sign, chikidawt:



Kita niyo?

Take 2, ito, same pic pero close up:



Dali hanapin noh? Kelangan lang pala ng tamang tingala para madaling ma-spot ang NBI Clearance Center sa Carriedo:




Pero stil, sinong mag-aakala, right?

Pero wag ka. Confusing pa din siya kasi sa building ay puro mga tiangge at ang NBI ay sa 3-5 floors pa...

* * *

Ano ang bumukana sa napakaganda kong fez? PILA! walang katapusan at sala-salabit na pila!



Potah! As in potah talaga!, wala ng aircon, magulo pa ang pila at nuknukan ng init at punong puno siya ng mga taong irritable at pawis na pawis...

Walang sistema ang pila sa NBI Clearance Center na ito. As in pag pumasok ka, good luck seio sa paghanap ng dulo ng kung aling pila para sa kung saang table... Oo, may label na STEP 1, STEP 2, STEP 3.. pero naman wala talagang sistema ang pila

Compared to my DFA experience nung kumuha ako ng passport, may isang main na pila kung saan dinidistribute sila sa iba't ibang counters; mas effective, mas mabilis, mas maayos. Dito, kagulo. As in yung pinilahan ko for step 2 ay nilibot ang buong room bago nakaating sa kanyang respective counter! Para bang isang malaking trip to Jerusalem!

Haggard!

And it doesn't help na kulang na kulang sila sa tao. Siguro, once upon a tme ay effective ang sistema nila pero ourt of the 10 existing counters, 3 lang ang available at may tao... AS IN KALOKA...

At wala din silang parang liason who coordinates with the applicants about the procedure and the system sa pila, etc etc.

* * *

Ito ang panalo, siyempre Third World, magugulang, uso ang singitan, gitgitan at balyahan! To the point that in Step 4 (kuhanan ng picture), hindi na ako nakapagpigil sa bruhang sumingit sa likuran ko...

Aba naman kase, simula nung sumingit siya (take note ha, singit lang siya!) e dinudunggol ako ng suso niya at ginagawang desk ang likuran ko at patungan ba naman daw ako ng mga documents niya! Lukaret na yun!

Para akong nagsuot ng bubuyog shades at nagdilim ang paningin ko, sinabihan ko siya:

"Ate, hindi bibilis ang pila kung gigitgitin mo ako ng gigitgitin. Kaya pwede ba umurong urong ka ng konti!"

Aba siyempre, ang hitad ay hindi magpapatalo sa katarayan at nagtatalak ng nagtatalak! Akala ko daw ay kung sino ako... kesyo lahat ng tao dun ay nakapila lang din... kesyo madami talagang tao at nagttiyaga lang ang lahat...

May point siya, but my point is, kung titingnan niya ang LAHAT ng ibang taong nakapila, walang ATAT na katulad niyang naggigitgit. OO lahat kami ay nakapila at nagttiyaga, pero BEHAVED ang karamihan; easy-easy lang, cool lang while waiting for our turn... Pero siya, she feels the need to harass the people in front of her; na para bang bibilis ang serbisyo sa counter kung magigitgit ang mga tao!

Ayaw niyang tumigil sa pagtalak despite the fact na sumingit siya ulit sa ibang pila!!!



So, once and for all, hinarap ko ang bruhang bilatchina, tinaasan ng kilay, tinitigan mula split ends hangang sa kadulo-duluhan ng pangit niyang pedicure and with all the calm, I can muster, I said:

"Ate, wag kang asal iskwater..." (pasensya na po for not being PC)

BWAHAHAHAHA! In my mind ay nagbubunyi ako! Pang-soap opera! Taray! winner! wahahahaha

Siyempre hindi siya tumigil ng pagtalak... Pikon! hahahaha! (insert evil laugh here. hehehe)



* * *

Kahit na haggard ang pagpila ko sa NBI (tatlong oras akong nakatayo at palipat lipat ng pila) at the end of the day, nagbunga nman ang pagttiyaga ko sa Carriedo at nakuha ko din ang aking minimithing NBI clearance. In fairness, mejo mabilis na siya... kelangan lang nilang ayusin ang kanilang istema...

Bow.

* * *

PS: isang malaking pasasalamat sa aking pinsan na si Cyd sa pagsama sa aking endeavor at pag-awat sa muntikan ng isang wrestling match sa loob ng NBI Clearance Center. Dakila ka! mwah!


1 comment:

  1. napadaan lang. naku pag dito ka sa bohol kumuha ng nbi, mga 10 minutes lang ang aabutin.

    ReplyDelete

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin