Wednesday, March 18, 2009

The Best Gift

Nagmamadali akong naglalakad pauwi ng bahay. Kasunod ko si Christian: humahabol, nakasimangot.

As usual, nag-away na naman kame... and as usual, chinannel ko ulit ang Diamond Star, Miss Maricel Soriano (ganyan ata talaga kapag lumaki kang nanunuod ng Maricel Drama Spcials at mga peliula ni Sharon Cuneta). Hinatak niya ang braso ko,"hindi ba natin pwedeng pag-usapan?"

"Ano pa pag-uusapan, klaro naman ang nangyari di ba?"

Actually mababaw lang naman ang pinag-awayan namin. Usapan ay 6pm magkikita. Ayaw niyang pumayag na mejo mas late (una kong gusto ay 7pm - hindi daw pwede) bigla bigla, walang sabi sabi e late pala siya dadating at ksama ang best friend niya sa office; dumating sila ng 8pm.

Doon nagsimula ang away na nauwi sa isang madramang habulan sa kahabaan ng Dr Sixto Ave sa Pasig. Nang malapit na sa bahay namin, sinabihan ko na siyang umuwi na siya sa Las Pinas.

Bumunot siya ng isang letter envelope sa bag at inabot sakin, "O ayan, basahin mo na lang sa bahay" Sabay walk-out.

Naloka ako. Ano ito? Ganito n ba ang bagong reconcillation style? Formal notice of intent of reconcillation with matching letterhead? Dali-dali kong binuksan ang nevelop eat nagulat sa letterhead na sabi'y "Hi-Precision Diagnostics" sa ibaba nito ay mga mga numero at letrang di ko alam ang ibig sabihin.

Potah! Medical result. Hinabol ko si Christian. ako naman ang humablot sa kanyang braso, "Ano ito?"

"HIV test"

POTAH! di na ako nakapagsalita at nanlaki na lang ang mata ko...

"negative"

At yun...kung gaano kabilis ako magalit ay siya naman bilis ng pagkatunaw ko sa aking kinatatayuan.

I admit, we've done some "risky" stuff in the past and I've had some HIV-scare a few times back but learned to put it at the back of my head...

I made up excuses for the both of us so I wouldn't feel irresponsible.

But there he was, without any word from me, he took the time, effort, and initiative to get tested and prove to me that he is clean...

It's definitely one of the best things I've received from him.

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin