Sunday, February 1, 2009

Usapang kasalan

"Ikakasal na ako sa Abril!"

Everyone: "Ha?"

Yan ang bungad ni Itchan, pinsan ko, kagabi sa napaka-busy naming kusina sa gitna ng handaan para sa celebration ng birthday ng nanay ko.

sabat ang isa pang pinsan: "E di ba si Cindy (kapatid ni Itchan) ikakasal na din kay Jeff?"

Tita Yoly (nanay nina Cindy): "Hindi pwede noh! sukob yun!"

Cindy: "Ano ba! sa 2010 pa kami ikakasal!"

Nanay ko: "Naku, Yoly susunod na jan si Cynthia (bunso nila)"

ang punchline...

Cyd (pinsan ko din): "Ikaw, ber (tawag nila sakin sa bahay), kelan ka ikakasal?"

silence...

sabay bukas ang pinto... tingin ang lahat...

pasok si Christian may dalang cake, "Happy birthday po, Tita!!!"

-------------------------------------------------------------------------------------------------

First posted on Multiply

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin