Sunday, February 15, 2009

Salamat, Bebi

Pinatibok mo ang puso ko
sa hindi ko inaakalang paraan

Hinawakan mo ang aking kamay
nang tinaasan nila tayo ng kilay

Sa loob ng punong punong jeep
sa harap ng mata ng mga usisero
hinalikan mo ako
"Bye bebi, ingat ka," sabi mo

Niyakap mo ako ng tayo'y nag-away

Hinabol ako nang tumakbo

Ngayon ko lang naramdaman
ang mahalin ng katulad ng pagmamahal mo

Maraming salamat

Wala akong masabi kundi
I love you, bebi.

1 comment:

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin