Monday, January 19, 2009

Good night, bebi

Masaya ako't binisita mo ako kahapon...

Lubos kong ikinatuwa na ipinagluto mo ako ng tanghalan... unang beses kong makatikim ng luto mo.

Nakakakilig at naalala mo na monthsary natin kahapon... nag-abala ka pa't dinalhan ako ng regalo.

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang huli kitang nakasama, nayakap at nahalikan... hindi mo alam kung gano kasarap marinig galing sa iyong mga labi na hinahanap hanap mo din ako...

Kinumpleto mo ang Linggo ko. Walang katumbas ang makasama ka at makatabi sa aking higaan... walang kasingsarap ang pakiramdam na matulog, kahit saglit, at makatabi ka... ang maramdaman ang mga braso mong nakayakap sakin, ang init ng katawan mo habang pareho tayong nahihimbing ng tulog...

At ngayong ako'y patulog na, yakap yakap ko ang unan na hinigaan mo, nananalangin na sana'y muli kang makatabi, hinahanap-hanap ang amoy mo ng sa mga huling saglit ng aking kamulatan ay ikaw ang aking makasama...

good night, bebi.

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Spread the Beckyness!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin